Huling na-update ang page na ito noong 5/25/2020. Para malaman ang mga update pagkalipas ng petsang iyon, pumunta sa page sa Ingles.
- English (English),
- አማርኛ (Amharic),
- العربية (Arabic),
- မြန်မာစာ (Burmese),
- 简体中文 (Chinese (Simplified)),
- 繁體中文 (Chinese (Traditional)),
- فارسی (Persian),
- Français (French),
- Italiano (Italian),
- 日本語 (Japanese),
- Ikinyarwanda (Kinyarwanda),
- 한국어 (Korean),
- Português (Portuguese, Brazil),
- Русский (Russian),
- Somali (Somali),
- Español (Spanish),
- Kiswahili (Swahili),
- ไทย (Thai),
- Türkçe (Turkish),
- Українська (Ukrainian),
- اردو (Urdu),
- Tiếng Việt (Vietnamese)
Maraming impormasyon tungkol sa coronavirus. Alam mo ba kung ano ang totoo at hindi totoo? Ang USAHello ay mayroong impormasyon mula sa mga pinagkukunan na mapagkakatiwalaan natin. Panoorin ang aming mga video tungkol sa mga hindi totoong bagay tungkol sa coronavirus. Alamin ang tungkol sa mga scam kaugnay ng coronavirus para masiguro ang iyong kaligtasan.
Ano ang totoo at hindi totoo tungkol sa coronavirus?
Panoorin ang mga video mula sa USAHello na ginawa ng mga kawani, volunteer, at miyembro ng board nito para malaman kung ano ang totoo at hindi totoo sa impormasyon tungkol sa coronavirus.
Mapapanood ang mga video ng USAHello sa maraming wika!
- Panoorin ang video na ito sa Ingles Panoorin ang video na ito sa Arabic
- Panoorin ang video na ito sa Burmese
- Panoorin ang video na ito sa Chinese (Cantonese)
- Panoorin ang video na ito sa Chinese (Mandarin)
- Panoorin ang video na ito sa Creole
- Panoorin ang video na ito sa Farsi
- Panoorin ang video na ito sa French
- Panoorin ang video na ito sa Hindi
- Panoorin ang video na ito sa Kinyarwanda
- Panoorin ang video na ito sa Korean
- Panoorin ang video na ito sa Nepali
- Panoorin ang video na ito sa Portuguese
- Panoorin ang video na ito sa Russian
- Panoorin ang video na ito sa Somali
- Panoorin ang video na ito sa Espanyol
- Panoorin ang video na ito sa Swahili
- Panoorin ang video na ito sa Tigrinya
- Panoorin ang video na ito sa Turkish
- Panoorin ang video na ito sa Ukrainian
- Panoorin ang video na ito sa Vietnamese
Mag-ingat sa mga scam kaugnay ng coronavirus
Mga panloloko ang mga scam. Kadalasang sinusubukan ng mga taong nangsa-scam ng ibang tao na dayain sila at nakawin ang kanilang pera. Kung minsan, kapag natatakot tayo, mas mahirap matukoy kung ano ang totoo at hindi totoo. Narito ang ilang scam na dapat malaman nating lahat!
Kung makatanggap ka ng text, email, o tawag sa telepono mula sa isang taong nagsasabi na nagtatrabaho siya para sa pamahalaan at mayroon siyang kaloob na tseke kaugnay ng coronavirus para sa iyo, huwag siyang bigyan ng anumang impormasyon. Kung kailangan ng pamahalaan ang iyong impormasyon sa pagbabangko, magtatakda sila ng ligtas na lugar online kung saan mo ito mailalagay sa isang website na nagtatapos sa .gov. Hindi ka nila tatawagan para kunin ang impormasyong iyon. Matuto pa tungkol sa tulong mula sa pamahalaan.
Huwag pansinin ang mga alok na ito at huwag ipasa ang mga ito sa iba. May mga quiz online para malaman kung tumutugma sa mga sintomas ng virus ang iyong mga sintomas, ngunit hindi mga pagsusuri ang mga ito. Walang pagsusuri online o naaprubahang gamutan o bakuna para sa COVID-19. Kung kailangan mong sumailalim sa pagsusuri, tumawag sa lokal na departamento ng kalusugan ng publiko.
May mga pekeng lokasyon para sa pagsusuri para sa coronavirus na lumitaw sa ilang lungsod sa USA. Hindi ligtas at ilegal ang mga serbisyong ito. Makakahanap ka ng totoong impormasyon tungkol sa pagsusuri para sa coronavirus sa website ng lokal na departamento ng kalusugan. Hanapin ang lokal na departamento ng kalusugan ng publiko.
May ilang nag-a-advertise at nagbebenta online na nagsasabing mayroon silang mga produkto na makakapagbigay sa iyo ng proteksyon mula sa coronavirus. Nag-aalok sila ng mga disinfectant, mask, at iba pang kagamitan. Peke ang karamihan sa mga produkto at website na ito. Alamin kung paano ligtas na mamili online.
Ang mga robocall ay mga tawag na maaari mong matanggap mula sa isang machine na nakikipag-usap sa iyo na parang tao. Kung makarinig ka ng naka-record na mensahe pagsagot mo sa telepono, ibaba ang tawag. Huwag pumindot ng anumang numero o magbigay ng anumang impormasyon.
Mga paraan para makaiwas sa nakakasamang impormasyon
Hindi layunin ng karamihan ng mga tao na magpakalat ng nakakasamang impormasyon. Ngunit maraming maling impormasyon na nagmumula sa mga miyembro ng komunidad. Makakatulong tayong lahat na magpakalat ng kapaki-pakinabang na impormasyon!
Mainam na tool ang social media para patuloy nating makaugnayan ang ating mga kaibigan at pamilya habang nagpapanatili tayo ng distansya sa iba para sa kaligtasan. Sa kasamaang-palad, ginagamit din ang social media para sa mga scam at pagpapakalat ng hindi totoong impormasyon, kaya dapat mong pag-isipan nang mabuti ang ibinabahagi mo. Mahalagang huwag mag-repost o magbahagi ng kahit na ano maliban na lang kung mapapatunayan mong totoong impormasyon ito. Mabisa mong magagamit ang social media para makatulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga positibong mensahe!
Maraming impormasyon sa internet at social media. Hindi lahat ng ito ay totoo. Maaaring mahirap maghanap ng nakakatulong na impormasyon sa iyong wika. Narito ang mga website na mapagkakatiwalaan mo:
- Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang pangunahing organisasyong pangkalusugan para sa USA. Mayroon itong impormasyon tungkol sa coronavirus sa Ingles, Espanyol, Chinese, Vietnamese, Koreano, at iba pang mga wika.
- World Health Organization (WHO) ang pangunahing organisasyong pangkalusugan para sa buong mundo. Mayroon itong impormasyon tungkol sa coronavirus sa Ingles, Arabic, Chinese, Pranses, Russian, at Espanyol.
- Ang COVID-19 Health Literacy Project ay may mga factsheet sa 30 wika, at mayroon itong kasamang impormasyon para sa mga buntis at mga bata, anuman ang edad.
- Tumutulong ang Office for Globalization sa Kentucky sa mga bagong Amerikano. Mayroon itong mga factsheet tungkol sa COVID-19 at pagpapanatili ng distansya sa iba sa 22 wika.
- Ang Multnomah County sa Oregon ay may nakakatulong na impormasyon at mga video sa 24 na wika para sa mga bagong salta. Sa page na iyon, maaari ka ring makahanap ng impormasyon sa paglilinis para sa mga serbisyong pampagkain at restoran sa 9 na wika.
Mahirap at puno ng pangamba ang panahong ito. Kapag natatakot ang mga tao, pinagdidiskitahan nila ang iba kung minsan. Negatibong nakakaapekto ang estigma sa lahat ng miyembro ng komunidad dahil gumagawa ito ng takot at nagdudulot ito pagkakahati-hati. Maaari itong makasama sa mga pinupuntirya.
Hindi natin kailangang mandiskrimina ng mga Asian American, mga manggagawa sa mga serbisyong pang-emergency at pangangalagang pangkalusugan, mga taong may COVID-19, o sinuman. Hindi namimili ang virus. Walang grupo sa USA ang may mas malaking posibilidad na dapuan o magpalaganap ng COVID-19 kumpara sa iba.
Napakahalagang gawin nating lahat ang tungkulin nating alamin ang totoong impormasyon para maiwasang magpakalat ng mga tsismis at takot na nagdudulot ng estigma at diskriminasyon. Mas ligtas tayo kung magtutulungan tayo!
Maghanap ng impormasyon tungkol sa estigma sa CDC.
Ang impormasyong ito ay mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan, tulad ng UNICEF, the Centers for Disease Control and at World Health Organization. Hindi nagbibigay ang USAHello ng payong legal o payong medikal, at hindi rin dapat ituring na payong legal o payong medikal ang alinman sa aming mga materyal.