Sa pahinang ito ay matatagpuan mo ang mga katanungan at kasagutan sa pagsusulit sa pagkamamamayan ng Estados Unidos na nakasalin sa iba’t ibang wika. Kilala rin ito bilang pagsusulit sa sibika at isang bahagi ng interbyu o panayam sa pagkamamamayan. Matutunan mo kung paano sagutin ang mga katanungan sa sibika, matatagpuan ang 100 mga katanungan at kasagutan sa pagkamamamayan na maaari mong i-download o panoorin, kung paano makakakuha ng eksamin na nasa kanilang sariling wika ang mga matatanda, at ang bersyon para sa 2020 ng mga katanungan sa pagkamamamayanna hindi na ipinag-uutos o sapilitan.

Ang mga katanungan at kasagutan sa pagsusulit sa pagkamamamayan
Ang eksamin sa sibika ay isang pasalitang pagsusulit sa Ingles na isang bahagi ng panayam o interbyu para sa naturalisasyon Gamitin ang mga katanungan at kasagutan sa pagkamamamayan na nasa ibaba para matulungan ka sa iyong pag-aaral
Paano sagutin ang mga katanungan sa pagsusulit ng sibika
Ang mga sagot sa mga tanong ay nasa ilalim ng bawat tanong na minarkahan ng ▪ (bullet) sa dokumentong nasa format ng PDF.

May mga tanong na mayroong higit sa isang tamang sagot
Maaaring may iba pang mga tamang kasagutan sa mga katanungan sa pagsusulit. Gayunpaman, nais marinig ng opisyal ng USCIS na nagsasagawa ng interbyu ang isa sa mga sagot sa tanong na nasa dokumentong nasa format ng PDF.
Kailangan mo lamang matutunan ang isang kasagutan sa halos lahat ng katanungan. Ang ilang mga tanong ay maaaring humiling ng 2 o 3 mga sagot. Hindi mo kailangang sabihin ang mga salita sa () maliban na lang kung ito ay ayon sa iyong kagustuhan. Mangyaring basahin nang mabuti ang mga katanungan.
Mga kasagutan na puwedeng magbago
Maaaring itanong sa iyo ang pangalan ng isang nahalal na opisyal. Halimbawa, “Sino Ang Ispiker Ng Kapulungan?” Ang mga pangalan ay maaaring magbago sa panahon na ikaw ay kukuha ng pagsusulit.
Sa simula ng iyong pag-aaral at bago ang iyong pagsusulit, tingnan angUSCIS test updates page para malaman ang mga kasap;.lukuyang sagot.
2008 – 100 Katanungan at kasagutan sa pagsusulit
Hindi mahalaga kung kailan ka nag- aplay para sa pagkamamamayan. Maaari mong gamitin ang bersyong 2008 ng pagsusulit na may 100 mga katanungan at kasagutan. Ang opisyal ng USCIS ay magtatanong ng 10 katanungan sa sibika sa panahon ng iyong panayam. Dapat na masagot mo nang tama ang 6 na katanungan para makapasa sa bahaging ito ng pagsusulit.
Wika | 100 mga katanungan at kasagutan | Video |
Arabic-English | ||
Chinese-English | Walang video | |
French-English | ||
Hindi-English | Walang video | |
Korean-English | ||
Spanish-English | ||
Swahili-English | Walang video | |
Tagalog-English | ||
Persian-English | ||
Vietnamese-English | Walang video | |
Polish-English | Walang video | |
Urdu-English | Walang video | |
Nepali-English | Walang video | |
Japanese-English | Walang video | |
Thai-English | Walang video |
Paano makakakuha ng iksamen o pagsusulit na nasa kanilang sariling wika ang mga matatanda
Maaari kang makakuha ng iksamen o pagsusulit sa pagkamamamayan na nasa iyong sariling wika kung natutugunan mo ang isa sa mga kinakailangang ito:
Ikaw ay: | Nakatira bilang isang permanenteng residente sa Estados Unidos sa loob ng: | Nakakapagsalita, nakakabasa, nakakasulat, at nakakaunawa ng Ingles | Dapat na kunin ng aplikante ang: |
May edad na 50 taong gulang at mas matanda | hindi bababa sa 20 taon | di-saklaw | Pagsusulit sa sibika (100 mga tanong sa pag-aaral) sa iyong piniling wika |
May edad na 55 taong gulang at mas matanda | hindi bababa sa 15 taon | di-saklaw | Pagsusulit sa sibika (100 mga tanong sa pag-aaral) sa iyong piniling wika |
May edad na 65 taong gulang at mas matanda | hindi bababa sa 20 taon | di-saklaw | Pagsusulit sa sibika na may 20 lamang na mga tanong sa pag-aaral sa iyong piniling wika |
Bisitahin ang USCIS para malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa mga eksepsyon at modipikasyon.

Ang USAHello ay may libreng online class para ikaw ay matulangan maghanda para sa iyong pagsusulit sa naturalisasyon (pagkamamamayan).
2020 – 128 Mga katanungan at kasagutan sa pagsusulit
Ito ang bersyon ng pagsusulit na ipinakilala sa panahon ng Administrasyon ng dating Pangulong Trump. Maaari mo itong piliin na siyang kuhanin kung ikaw ay nag-aplay para sa naturalisasyon sa pagitan ng Disyembre 1, 2020 at Marso 1, 2021.
Noong Pebrero 22, 2021, ipinahayag ng Administrasyon ni Pangulong Biden na ang bersyong ito ay hindi kinakailangan. Pwede mong kuhanin ang bersyong 2008 ng pagsusulit (100 mga katanungan) kung ito ang gusto mo. Para sa bersyong 2020, ang opisyal ng USCIS ay magtatanong ng 20 katanungang pang sibika sa panahon ng iyong panayam. Dapat mong masagot nang tama ang 12 tanong para makapasa ka sa pagsusulit.
- Arabic-Ingles 128 mga tanong at kasagutan
- Chinese-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- French-Ingles – 128 mga tanong At kasagutan
- German-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Hindi-ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Hapon -Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Korean-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Nepali-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Polish-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Espanyol-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Swahili-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Tagalog(Filipino)-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Urdu-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
- Vietnamese-Ingles – 128 mga tanong at kasagutan
Ang impormasyon sa pahinang ito ay galing saUSCIS at mga pinagkakatiwalaang mga pagkukunan. Ito ay nilalayon para sa patnubay at ina-update kapag kinakailangan. Hindi nagbibigay ang USAHello ng payong legal o payong medikal, at hindi rin dapat ituring na payong legal o payong medikal ang alinman sa aming mga materyal. Kung ikaw ay naghahanap ng libre o murang abogado o legal na tulong, maaari ka namin tulungan maghanap, humanap ng libre o murang legal na serbisyo.