Huling na-update ang page na ito noong 5/25/2020. Para malaman ang mga update pagkalipas ng petsang iyon, pumunta sa page sa Ingles.
- English (English),
- አማርኛ (Amharic),
- العربية (Arabic),
- မြန်မာစာ (Burmese),
- 简体中文 (Chinese (Simplified)),
- 繁體中文 (Chinese (Traditional)),
- فارسی (Persian),
- Français (French),
- Italiano (Italian),
- 日本語 (Japanese),
- Ikinyarwanda (Kinyarwanda),
- 한국어 (Korean),
- Português (Portuguese, Brazil),
- Русский (Russian),
- Somali (Somali),
- Español (Spanish),
- Kiswahili (Swahili),
- ไทย (Thai),
- Türkçe (Turkish),
- Українська (Ukrainian),
- اردو (Urdu),
- Tiếng Việt (Vietnamese)
Aralin natin ang anumang kayang gawin upang manatiling malusog. Alamin kung paano natin kayang proteksyunan ang ating mga sarili at ang iba pa laban sa impeksyon. Unawain ang gabay at mga dapat gawin. Hanapin ang mga patakaran ng iyong estado.
Ang virus ay lubhang nakahahawa (madaling makuha). Lahat ay nasa delikadong sitwasyon na maaari silang mahawa at makahawa ng ibang tao.
- Kapag ang maysakit na tao ay bumahing o umubo, sila ay naglalabas ng mga patak (maliit at pinong tubig) na may kasamang virus.
- Ang patak ng tubig ay kayang mapunta sa mga mata, tenga, o ilong ng taong malapit at papasok sa kanilang mga baga. Ito ang pinakamainam na paraan para lumaganap ang virus.
- Ang mga patak ay pwede ring mapunta sa damit o anumang bagay. Pag ang iba pang tao ay humawak sa bagay na iyon, sila ay mahahawa.
- Ang virus ay maaring nasa hangin (maliit na butil) na ating inilalabas sa paghinga. Maaaring ang ibang tao ay makalanghap ng hangin na mula sa maysakit na tao at makuha ang virus.

Panuorin ang video tungkol sa pananatiling ligtas mula sa COVID-19
- Tingnan ang video na ito sa Arabic, Arakanese, Burmese, French, Karen, Karenni, Nepali, Pashto, Russian, Somali, Spanish,at Swahili. Salamat sa Refugee Response para sa mga video na ito.
- Panuorin ang video na ito sa Bosnian, Dinka, Kirundi, Maay Maay, Vietnamese at American sign language. Pasasalamat sa Vermont Multilingual Coronavirus Task Force para sa mga videos na ito.
- Panuorin ang video sa Amharic o sa Hindi. Salamat sa Kentucky’s Office of Globalization para sa mga videos na ito.
- Panuorin ang video sa Cantonese/traditional Chinese, Mandarin/simplified Chinese, o Tigrinya. Salamat sa Multnomah County para sa mga video.
Paano manatiling malusog
Ang dalawang mabisang paraan upang maproteksyunan ang sarili at ang iba pa ay ang paghuhugas ng kamay at pananatili ng tamang distansya mula sa iba. Kung tayo ay magsisikap na manatiling malakas at malusog, tayo ay tumutulong na rin sa iba. Narito ang ilang kaalaman upang manatiling malusog.
- Madalas na maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig.
- Maghugas ng kamay pagkatapos na hawakan ang mga bagay na hinawakan ng ibang tao.
- Hugasan nang hindi bababa sa 20 segundo.
- Hugasan ang likod ng iyong kamay at ilalim ng mga kuko.
- Kung walang sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer.
- Hanapin ang impormasyon sa paghuhugas ng kamay sa maraming wika.
- Manatili sa bahay at panatilihin ang mga bata sa bahay kung ang isa sa inyo ay nagkasakit o napatunayang nagpositibo sa COVID-19.
- Kung lalabas ka, gawin ang “social distancing” o tamang agwat sa tao sa pananatili ng layong 6 na talampakan (2 metro) mula sa kasunod na hindi mo kaanu-ano. Gawin mo ito kung ikaw ay nasa pamilihan o habang naglalakad sa daanan.
- Iwasan ang makipagkita o dumalaw sa mga kaibigan at kapitbahay. Umiwas sa mga pampublikong pagtitipon at subukang limitahan ang araw ng pamimili sa isang beses lang kada linggo o mas madalang pa.
- Huwag umalis kung hindi naman lubos na kailangan.
- Iwasan ang pampublikong sasakyan hanggang maaari.
- Huwag dumalaw sa mga nakatatandang tao o maysakit, sila ang pinakamadaling tamaan.
- Hanapin ang impormasyon ukol sa social distancing sa maraming wika.
Ang iyong ilong, bibig, at mga mata ay lagusan ng mga virus papasok sa iyong katawan. Maaari mong maproteksyunan ang iyong sarili gamit ang ilang mga simpleng gabay:
- Huwag mong hawakan ang iyong mukha kapag ikaw ay nasa labas ng bahay.
- Kung humawak ka sa mga bagay sa labas ng inyong bahay, huwag mong hawakan ang iyong mukha hanggang hindi ka pa nakapaghuhugas ng iyong mga kamay.
- Huwag mong gamitin ang iyong kamay para takpan ang iyong bibig at ilong kapag babahing o uubo. Gumamit ng tisyu at itapon ito. Kung wala kang tisyu, umubo o bumahing sa iyong braso imbis na sa kamay.
- Ang pagsusuot ng mask ay makakatulong sa iyong magpaalala upang hindi mahawakan ang mukha.
Ang pagsusuot ng mask ay nakatutulong upang mapabagal ang pagkalat ng virus.
Ang CDC ay nagpahayag na kung ang mga tao ay tatakpan ang kanilang ilong at bibig gamit ang panyo o mask kapag nasa pampublikong lugar, ay nakatutulong ito sa pagpapabagal ng pagkalat ng virus. Ito ay sa kadahilanang ang virus ay kumakalat kapag ang isang taong may virus ay umubo o bumahing at ang takip na panyo o mask ay nakatutulong upang siguraduhing hindi kakalat ang mga patak ng tubig na may dalang sakit.
Mayroong iba’t ibang klase ng mask.
Ang mask na gagamitin ng karamihan sa atin sa panahon ng coronavirus emergency ay gawa sa bulak o ibang tela. Iyan ay hindi ang mask na pangmedikal na kinakailangan ng ating mga doktor at nars upang manatiling ligtas.
Mahirap humanap ng mask na mabibili .
Kung hindi mo kayang bumili ng mask, pwede kang gumawa nito. Kung hindi mo kayang gumawa ng mask, pwede mong gamitin ang piraso ng tela na kayang balutan ang iyong bibig at ilong.
Ang pagsusuot ng mask ay hindi lubusang makapipigil upang magkaroon ka ng COVID-19.
Kailangan mo pa ring panatilihin ang agwat. Pero ang mask ay nakatutulong upang hindi makapagkalat ng virus ang tao bago pa man niya malaman na siya ay maysakit. Iyon ay lubos na nakatutulong sa lugar na mahirap ang panatilihing magkakalayo mula sa ibang tao, lalo na sa mga pamilihan.
Ang COVID-19 ay naikakalat ng tao kahit walang sintomas.
Ang ibang tao ay inaabot ng dalawang linggo bago makita ang sintomas samantalang ang iba naman ay walang anumang sintomas pero sila ay nakakapagkalat pa rin ng virus. Ang pagsusuot ng mask ay nakatutulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus sa pagbawas nito sa mikrobyo na ating nailalabas.
Panatilihing malinis ang inyong mask.
Laging labhan ang mask pagkatapos gamitin hanggang kaya.
Huwag bigyan ng mask ang sinumang walang kakayahan na magtanggal nito.
Sinabi ng CDC na ang mask ay hindi dapat ipasuot sa mga batang hindi hihigit sa 2 taong gulang o sa mga taong walang kakayahan na alisin ito kapag kailangan nila.
- Huwag mag-imbita ng bisita sa bahay. Kung may tao na pumunta sa inyong pintuan, panatilihin ang 6 talampakang agwat mula sa kanila.
- Linisin lagi ang mga kagamitan at bagay kung lagi itong hinahawakan.
- Gumamit ng disinfectant. Kung walang panglinis, maaari kayong gumawa ng sarili. Maghalo ng 4 na kutsaritang bleach sa 4 na tasang tubig.
- Kung may magkakasakit sa isa sa inyong tahanan, agad siyang ilayo sa iba. Linisin ang lahat ng hahawakan nila. Subukang kumuha o gumawa ng mask.
- Ilayo ang inyong mga alagang hayop sa ibang tao.
- Gumawa ng listahan ng puwedeng tawagan. Isama ang lokal na pamahalaang pangkalusugan, ang inyong doktor o health center, ang inyong trabaho, at ang guro ng iyong mga anak sa paaralan. Magdagdag ng sinomang kaibigan o importanteng suporta mula sa kominidad na maaring tawagan kung sakaling ikaw ay magkasakit.
Sinabi ng CDC na, “Ang mga matatanda at sino man sa kahit anong edad na may malalang karamdaman sa kalusugan ay maaaring may mataas na tyansang magkaroon ng sakit mula sa COVID-19.”
Ano’ng ibig sabihin nito? Mayroong iilang grupo na mataas ang posibilidad na makakuha ng sakit:
- Mga taong 65 taong gulang at higit pa
- Mga taong nakatira sa isang nursing home o pangmatagalang pasilidad ng pangangalaga
- Mga taong may malubhang karamdaman gaya ng cancer, sakit sa baga o bato, sakit sa puso, at dyabetis
- Mga taong may mahinang resistensya o HIV
- Mga taong labis ang timbang
- Mga taong naninigarilyo
Ang ilan ba sa mga ito ay nararanasan mo? Ikaw ay may mataas na tyansa ng pagkakasakit. Siguruhing umiwas sa ibang tao hanggang maaari. Halimbawa, may ilang pamilihan ang may espesyal na oras ng pagbubukas para sa mga taong may mataas na tyansang magkasakit. Kung padadalhan ka ng pagkain, dapat ay iwanan na lamang nila ito sa labas ng pinto.
Ang pagsasahiwalay na ito ay napakahirap gawin. Lahat tayo ay nais na makita at makasama ang ating mga pamilya at kaibigan lalo na sa panahong ito. Ngunit mas maigi na gumamit na lamang ng telepono upang manatiling nakakonekta sa kanila.
Mayroong mga tao na nagbibigay sa atin ng impormasyon na nakita o narinig nila sa kagustuhan nilang makatulong! Sa panahon ng pagkakagulo, ang mga maling impormasyon o yung mga tinatawag na haka-haka o misinformation ay mabilis na kumakalat sa social media. Panuorin ang video tungkol sa mga pangkaraniwang haka-haka tungkol sa coronavirus at kung paano maging ligtas gamit ang tamang impormasyon.
Napaka delikado na magpasa ng mga maling impormasyon tungkol sa lunas o proteksyon laban sa COVID-19. Kug nais ninyong magbigay ng payo, magbigay ng impormasyon sa tao mula sa inyong lokal na pamahalaang pangkalusugan o mula sa CDC.
Sa simula ng pagkakagulo mula sa coronavirus, maraming tao ang natakot at bumli ng napakaraming pangangailangan. Naubos ang mga paninda sa pamilihan. Mahalaga na hindi tayo masyadong mag-impok ng lagpas sa kailangan natin, pero maganda din na handa tayo. Kung maaari, siguraduhin na may sapat kayong pangangailangan sa bahay at mga pagkain na tatagal sa dalawang linggo. At magiging handa ka kung sakaling ikaw ay magkasakit o kung magsarado ang mga pamilihan.
Narito ang ilang mga bagay na maaari mong bilhin:
- Tuyong buto ng prutas, patani, pasta, at mga piling butil
- De latang prutas, mga gulay, at mga beans
- Tinapay (maaari mong palamigin upang manatiling bago)
- Frozen na karne, isda, mga gulay at prutas
Ang lahat ng mga pagkain na ito ay magtatagal.
Alagaan ang sarili pati na ang iyong damdamin
Ang coronavirus ay nakaaapekto sa kahit sino. Karamihan sa atin ay natatakot, at marami rin ang nakakaramdam ng pag-iisa. Kung ikaw ay bago sa USA, maaaring mas mahirap pa ito. Kailangan mong matuto ng iba’t ibang wika at unawain ang magkakaibang kultura. Maaaring ang pamilya mo ay nasa malayo. Mga takas o ampon ng lipunan, mga nangingibang bansa na walang papeles at ang iba pa ay mga matatag dahil sa kanilang mga naging karanasan. Ang iyong mga malalapit na kapamilya ay magbibigay sa’yo ng lakas at suporta. Ang iyong paniniwala o ang iba pang mahalagang bagay sa iyo ay gagawin kang matatag.
1. Manatiling positibo
Natural lang ang mangamba o malungkot, ngunit subukan mo pa rin na mag-isip ng positibo. Lagi mo lang ipaalala sa sarili mo na marami ka nang nalampasan na mga pagsubok at kakayanin mo pa ang mga darating na oras ng kahirapan. Tingnan ang mga magagandang pangyayari sa mga balita at sa iyong komunidad.
2. Huwag magbasa o manood ng masyadong masamang balita
Limitahan ang balita sa 20 minuto lamang kada araw. Mapapanatili nito ang pagiging handa mo upang maging ligtas nang hindi nasosobrahan sa pag-aalala o pagkatakot.
3. Mag-ehersisyo
Maaari kang maglakad-lakad kung ligtas itong gawin sa inyong lugar. Baka may hardin ka na puwedeng pagkaabalahan. Para sa ehersisyo sa loob, sundin ang libreng video sa pag-eehersisyo sa YouTube. Ang pag-eehersisyo ay makapagbibigay sa iyong katawan at isip ng positibong enerhiya.
4. Magkaroon ng sapat na tulog
Giginhawa ang iyong pakiramdam at mananatili kang malusog kung gagawin mong mahalagang parte ng buhay ang sapat na tulog. Marami sa atin ang nahihirapang makatulog lalo na kung maraming iniisip. Ang iba ay maaaring lumalabis sa pagtulog. Magtakda ng 7 hanggang 8 oras ng tulog kada gabi. Nakatutulong ang pagtulog sa iyong nararamdaman, sa pag-iisip, at sa iyong pasensya.
5. Manatiling konektado
Maaari mong kausapin ang iyong mga kaibigan o pamilya sa pamamagitan ng chat app, video, telepono o social media. Sabihin mo sa kanila ang nararamdaman mo at pakinggan mo rin sila sa kanilang nararamdaman. Pag-usapan ninyo ang mga bagay na gusto ninyo. Magplano para sa hinaharap. Hanapin ang suporta at pagkukunan na kailangan mo para manatili ang iyong isip at katawan na malusog at masigla!
Ikaw ba o ang kakilala mo ay nakararanas ng kalungkutan o pagkatakot sa kanilang bahay?
Binanggit ng CDC na kung ikaw, o ang sinuman na pinapahalagahan mo, ay nakararanas ng labis na kalungkutan, pagkabalisa o pag-iisip nang sobra, o kung ikaw ay nag-iisip na nais mong saktan ang iyong sarili, ay dapat na kumonsulta ka para matulungan:
- Kung nakararanas ng emerhensya, mangyaring tumawag kaagad sa 911
- Bisitahin ang Disaster Distress Helpline o tumawag sa 1-800-985-5990 at TTY 1-800-846-8517 o i-text ang TalkWithUs sa 66746
Karahasan sa tahanan at pang-aabuso
Ang karahasan sa tahanan ay karahasan na ginagawa ng isang kasosyo o miyembro ng pamilya, sa bahay. Ang karahasan na ito ay nadagdagan sa panahon ng COVD-19 malawakang epidemiya dahil ang mga tao at pamilya ay gumugugol ng mas maraming oras sa bahay. Karamihan sa karahasan ay laban sa mga asawa at magkatuwang. Ngunit madalas makita ng mga bata ang karahasan na ito, at maaari din silang maging biktima.
Takot ka ba sa isang taong kapiling mo?
Mahirap lumayo upang makakuha ng tulong dahil ang bawat isa ay magkakasama sa tahanan. Ngunit may mga serbisyo na makakatulong sa iyo:
- Kung ikaw ay nakararamdam ng takot mula sa iyong kasamang manirahan, bisitahin lang ang National Domestic Violence Hotline o tumawag sa 1-800-799-7233 at TTY 1-800-787-3224
- Teksto Crisis Text Line sa 741741
- Kung ikaw ay natatakot para sa iyong buhay at para sa buhay ng isang miyembro ng pamilya, tumawag sa 911
Ang mga impormasyon na ito ay nagmula sa mga pinagkakatiwalaang samahan, gaya ng Centers for Disease Control at ng World Health Organization. Kami, ang USAHello, ay hindi nagbibigay ng legal na payo, at hindi rin dapat ituring na legal na payo ang alinman sa aming mga materyal. Ang aming impormasyon ukol sa kalusugan ay tiningnan ng miyembro ng USAHello na si Tej Mishra, isang propesyonal sa kalusugan sa US at isang epidemioligist.