Ina-update linggo-linggo ang page na ito. Ang mas bagong impormasyon ay naka-highlight.
Mas mahihigpit na patakaran sa immigration
Ipinangako ni Pangulong Trump ang mas mahihigpit na patakaran sa immigration at mas istriktong pagpapatupad. Maaasahan mo ring magbabago ang pagproseso sa mga aplikasyon sa immigration, kasama na rito ang mas matagal na paghihintay, mas istriktong mga panuntunan para maging kwalipikado, at mas matataas na fee para sa mga benepisyo ng immigration.
Maraming ahensya ang sangkot sa mga pagpapatupad ng immigration, kasama rito ang Immigration and Customs Enforcement (ICE), Customs and Border Protection (CBP), at ang Department of Homeland Security (DHS).
Mga raid, detention, at deportasyon
Dahil sa mga executive order ni Pangulong Trump, mas lumawak ang pagpapatupad ng immigration. Mas maraming tao ang maisasailalim sa mga pagdinig (proceeding) sa korte ng immigration, mailalagay sa mga detention ng immigration, at maipapa-deport mula sa U.S.
- Mga immigration raid: Ang ICE ay nagsasagawa ng mga immigration raid sa buong U.S. Madalas na nangyayari ang mga raid na ito sa mga lugar ng trabaho, pero puwede rin itong mangyari sa mga pampublikong lugar, gaya ng mga paaralan, ospital, at mga sentro ng relihiyon (religious center). Magiging target ng mga raid ang mga undocumented na immigrant, kahit gaano ka pa katagal na naninirahan sa bansa o kahit wala kang criminal record. Kahit may legal na status ka, kasama na rito ang U.S. citizenship, baka maapektuhan ka nito kung hindi mo agad mapatunayan ang status mo.
- Mabilis na deportasyon nang walang pagdinig: Nalalapat na ngayon sa buong bansa ang pinabilis na pag-alis. Kung ikaw ay isang undocumented immigrant na wala pang dalawang taon sa US, maaari kang i-deport nang walang pagdinig sa korte maliban kung matukoy ng isang opisyal ng imigrasyon na maaari kang maging karapat-dapat para sa asylum. Maaaring hindi magtanong ang mga opisyal kung natatakot kang umuwi, kaya dapat mong ibahagi ang impormasyong ito sa iyong sarili, kahit na hindi sila direktang nagtanong.
- Mandatoryong detensyon at deportasyon para sa ilang partikular na krimen: Ang Laken Riley Act ay nangangailangan ng ICE na i-detain at i-deport ang mga hindi dokumentadong tao na inakusahan, kinasuhan, o inamin sa mga krimen tulad ng pagnanakaw, pagnanakaw, o shoplifting.
- Kasali na ang lokal na law enforcement: Puwede nang tumulong ngayon ang mga pulis at sheriff sa pagpapatupad ng mga hakbang sa immigration. Ibig sabihin, puwedeng humantong sa pagkilos ng immigration laban sa iyo ang kahit anong interaksyon mo sa mga law enforcement o nagpapatupad ng batas.
- Tapos na “catch and release”: Tinapos na ng gobyerno ang ginagawang pagpapalaya sa ilang immigrant mula sa detention habang naghihintay sila ng mga pagdinig sa korte. Ibig sabihin, baka manatili ka sa detention hanggang sa magkaroon ng pinal na desisyon sa kaso mo.
- Mas maraming detention center: Nagtatayo ang gobyerno ng mas maraming detention center, lalo na malapit sa hangganan ng U.S.-Mexico. Madalas na di-maganda ang mga kalagayan sa mga center na ito, at mahirap makakuha ng legal na tulong. Plano nilang makapaglagay ng mas maraming tao sa immigration detention.
- Mga pagbabago sa immigration status: Kapag nawala ang immigration status mo at naging undocumented ka dahil sa kamakailang mga pagbabago sa patakaran, manganganib kang ma-deport.
- Deportasyon nang walang mga pagdinig para sa ilang Venezuelan: Isang bagong utos ang nagpapahintulot sa gobyerno na i-detain at i-deport ang mga Venezuelan national na pinaghihinalaang konektado sa gang nang walang pagdinig sa korte. Kasalukuyan na itong hinahamon sa korte.
Puwede na ngayong ibigay ng IRS sa ICE ang impormasyon sa buwis ng ilang partikular na immigrant. Kung undocumented ka, pag-isipang makipag-usap sa isang abogado bago mag-file ng mga buwis mo. |
Pagpaparehistro sa immigration
Isang bagong panuntunan o rule ang magre-require sa ilang immigrant na magparehistro sa pamahalaan ng U.S. simula Abril 11, 2025. Maraming immigrant ang ituturing nang nakarehistro, kasama na rito ang mga may Green Card, parole status, work permit (EAD), o nasa mga pagdinig (proceeding) ng korte ng immigration.
Ipinahayag ng DHS na ang layunin ng panuntunang ito ay kilalanin at i-deport ang mga hindi dokumentadong imigrante na nagparehistro o nagpipilit sa kanila na umalis sa US nang mag-isa. Kung ikaw ay hindi dokumentado, ang pagpaparehistro ay maaaring mapataas ang iyong panganib na makulong at ma-deport. Ang ilang mga tao ay hindi naiintindihan na makakatulong ito sa pagbibigay sa kanila ng isang paraan upang makakuha ng Green Card, at hindi ito totoo.
Bago gumawa ng kahit anong aksyon, makipag-usap sa isang abogado ng immigration para maintindihan ang mga peligro at mga opsyon mo. Nag-aalok ang National Immigration Law Center (NILC) ng magandang impormasyon tungkol sa paksang ito.
Hangganan ng U.S. at Mexico
Ang mga kamakailang executive order ay nagpahirap sa pagtawid sa hangganan ng US-Mexico at paghahanap ng asylum sa hangganan. Sa ilalim ng batas, may karapatan ka pa ring humingi ng asylum, ngunit ang gobyerno ng US ay nagdeklara ng pambansang emergency sa hangganan, na may mas mahigpit na mga panuntunan at higit na pagpapatupad.
- Hindi na available ang CBP One app. Hindi mo na magagamit ang CBP One app para mag-schedule ng appointment na ipapakita sa isang port ng entry para humingi ng asylum. Kinansela na ang lahat ng kasalukuyang appointment.
- Dinagdagan ang militar at pagpapatupad sa hangganan. Nagdeklara ang U.S. ng national emergency sa timugang hangganan (southern border) ng U.S. Asahan mo ang pagdami ng detention, paggamit ng puwersa, presensya ng militar, pinalawak na pagtatayo ng pader, at mga surveillance tool na gaya ng mga drone sa hangganan.
- Remain in Mexico (MPP) is on hold. A court ruling has paused this requirement for some people seeking asylum at the southern border to stay in Mexico while waiting for their pending U.S. immigration court cases.
Makataong Parole
Tinapos o pinahigpit nang husto ng kamakailang mga executive order ang maraming programa ng humanitarian parole. Sa humanitarian parole, may mga pansamantalang nakakapunta sa U.S. dahil kailangang-kailangan ito agad (urgent reasons), halimbawa, para makatakas sa panganib o makapagpagamot.
- Huminto na ang USCIS sa pagtanggap ng mga aplikasyon na nangangailangan ng Form I-134A. Kasama rito ang Mga Proseso para sa CHNV, parole para sa mga Ukrainian, CAM parole, at family reunification parole.
- Ipinagpatuloy na ang mga proseso para sa CHNV dahil sa utos ng korte. Kung may parole ka sa ngayon dahil sa CHNV, dapat payagan kang manatili at magtrabaho sa U.S. at hindi mo kailangang umalis sa bansa pagsapit ng Abril 24. Pero kailangan mo pa ring umalis sa bansa kapag nag-expire na ang parole mo maliban kung nag-apply ka para sa isa pang legal status.
- Ang Ukrainian parole program ay na-pause. Hindi ka na makakapag-file ng mga bagong application. Kung kasalukuyan kang may parol sa pamamagitan ng programang ito, abangan ang mga update. Iminumungkahi ng mga report na ang umiiral na makataong parol para sa mga pumasok sa Estados Unidos sa pamamagitan ng U4U ay magwawakas. Kung wala kang ibang katayuan, mahaharap ka sa deportasyon.
- Hindi nagbago ang programa ng parole para sa mga Afghan. Wala pang mga espesipikong anunsyo tungkol dito. Ia-update agad ito kapag mayroon nang mga karagdagang impormasyon.
- Ni-revoke na ang CBP One parole. Kung pumasok ka sa U.S. gamit ang CBP One app, baka matapos nang mas maaga ang parole mo. Maraming tao ang nakatanggap ng mga notice mula sa DHS na nagsasabing matatapos na ang parole nila at sinasabihan silang umalis sa U.S. Kung apektado ka, makipag-usap sa isang immigration lawyer sa lalong madaling panahon. Baka puwede ka pa ring mag-apply para sa asylum o ibang uri ng tulong.
- Sobrang lilimitahan ang parole sa hangganan. Ang mga opisyal sa hangganan ay magbibigay lang ng humanitarian parole sa mga bihirang emergency, at magiging mas mahirap na maging kwalipikado para dito. Kakailanganin mo ng matibay na ebidensya para matugunan ang mahihigpit na kinakailangan. Kung dati kang naging kwalipikado sa parole, posible ka na ngayong maharap sa detensyon o deportasyon.
Mga pagbabago sa mga refugee, asylum, at SIV
Ang U.S. Refugee Admissions Program (USRAP), na nagpapahintulot sa mga refugee na manirahan muli sa U.S., ay sinuspinde nang walang katiyakan (indefinitely) simula Enero 27, 2025. Isang federal judge ang nag-utos sa gobyerno na muling simulan ang programa. Kahit nagsimula na ulit ang programa, maraming kaso ang hindi pa rin umuusad.
- Limitado pa rin ang pagbiyahe ng mga refugee. Bagaman inutusan na ang gobyerno na i-resume o ipagpatuloy ang pagproseso, marami pa ring kaso ng mga refugee ang naka-hold, at hindi pa ganap na naibabalik o nare-resume ang pagbiyahe papunta sa U.S.
- Ang mga kaso ng follow-to-join (I-730) para sa mga asylee at mga refugee ay puwede nang magpatuloy. Ang mga kaso ng mga follow-to-join asylee ay pinoproseso sa ibang bansa at papayagan na silang magbiyahe, pero ang mga beneficiary na ang magbabayad ngayon ng mga medical exam nila at gastusin sa paglalakbay. Karamihan sa mga kaso ng follow-to-join refugee ay naka-hold pa rin sa ibang bansa, sa kabila ng utos ng korte na ipagpatuloy o i-resume ang mga ito. Naka-hold din ang pagbiyahe papunta sa U.S.
- Makakabiyahe na ang mga may Afghan Special Immigrant Visa (SIV). Kung naaprubahan na ang SIV mo, makakabiyahe ka na papuntang U.S., pero ikaw ang dapat mag-ayos at magbayad ng sarili mong paglalakbay. Puwede kang magparehistro sa #AfghanEvac para sa tulong.
- Sarado na rin ang pribado o private sponsorship. Kung U.S. citizen ka o permanenteng residente, hindi ka na makakapag-apply para mag-sponsor ng mga refugee gamit ang programang Private Sponsorship.
- Apektado ang mga serbisyo ng resettlement. Pinahinto ang mga serbisyong tumutulong sa mga bagong dating na refugee at Afghan SIV. Ang mga lokal na ahensya ng resettlement ay naghahanap ng mga alternatibong paraan para masuportahan ang mga bagong dating.
- Ang mga naghahanap ng asylum ay maaari pa ring mag-aplay para sa asylum sa loob ng US Binabago ng gobyerno kung paano sinusuri ng mga hukom ng imigrasyon ang mga kaso ng asylum. Nag-aalok ang ASAP ng kapaki-pakinabang na impormasyon.
- Itinigil muna ang mga Green Card application para sa ilang asylee at refugee. Hindi pa nakukumpirma ang lawak ng pansamantalang pagpapatigil na ito.
Pansamantalang protektadong katayuan (TPS)
Nilinaw ng isang executive order na malamang na i-review ng gobyerno ang kasalukuyang mga pagtatalaga ng TPS. Puwede silang magpasya na hindi na i-renew ang mga proteksyon para sa bansa mo kapag nag-expire na ang kasalukuyang status mo. Ibig sabihin, puwedeng mawala ang awtorisasyon mong magtrabaho at ang proteksyon mo para hindi ka ma-deport kapag natapos na ang petsa ng expiration.
May mga kamakailang pagbabago na ginawa sa:
Kung mayroon kang TPS para sa ibang bansa, tiyaking i-renew ang TPS mo sa lalong madaling panahon. Puwede mo ring tingnan ang iba pang legal na opsyon na kwalipikado ka. Puwede kang sabay na mag-apply para sa pag-renew ng TPS at iba pang proteksyon sa imigrasyon.
Pagbabawal sa paglalakbay
Inaasahang iaanunsiyo ng Trump administration ang isang bagong pagbabawal sa paglalakbay o travel ban, pero ipinagpaliban ito. Mahalaga pa ring mag-ingat sa mga planong paglalakbay.
- Kung galing ka sa isang bansa na nasa listahan ng pagbabawal sa paglalakbay o travel ban at naglakbay ka sa labas ng U.S. papunta sa kahit anong bansa, baka hindi ka na payagang makabalik. Puwedeng saklaw nito ang mga non-U.S. citizen, kahit na may valid na Green Card o visa ka.
- Kung naglakbay ka papunta sa isang bansa na nasa listahan ng pagbabawal sa paglalakbay o travel ban, baka hindi ka na payagang bumalik sa U.S. Puwedeng saklaw nito ang mga non-U.S. citizen, kasama na ang mga may Green Card o visa.
Kung ikaw ay mula sa South Sudan, ang iyong US visa ay maaaring bawiin, at ang iyong visa application ay maaaring hindi maproseso. Dapat kang makatanggap ng paunawa kung naaangkop ito sa iyo. Alamin kung ikaw ay apektado nito. |
Mga benepisyo para sa publiko
Hiniling ng isang executive order sa mga ahensya ng gobyerno na i-review at itigil ang pagbibigay ng benepisyo sa mga taong walang legal na status. Puwedeng hindi ka na makakuha ng mga pampublikong benepisyo kung hindi ka awtorisadong tumanggap ng mga ito. Kahit na awtorisado kang tumanggap ng mga ito, baka mas mahirap nang makakuha ng mga ito. Gayundin, ang federal funding o pondo para sa mga lokal na serbisyong gaya ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, o tulong sa pabahay ay baka mabawasan, na makakaapekto sa suportang inaasahan mo.
Panukala sa birthright citizenship
Ang bagong executive order ay naglalayong baguhin ang Constitutional rule para sa birthright citizenship sa United States. Ang birthright citizenship ay ang karapatan sa pagkamamamayan para sa lahat ng bata na ipinanganak sa lupain ng US, anuman ang katayuan sa imigrasyon ng kanilang mga magulang.
Ang panukala ng pangulo ay magtatanggi sa pagkamamamayan sa mga batang ipinanganak sa o pagkatapos ng Pebrero 19, 2025, kung alinman sa mga ito ay naaangkop:
- Ang kanilang ina ay labag sa batas na naroroon sa US, at ang ama ay hindi isang US citizen o legal na permanenteng residente.
- Ang kanilang ina ay may legal ngunit pansamantalang presensya sa US, at ang ama ay hindi isang US citizen o legal na permanenteng residente.
Protektado ng 14th Amendment of the U.S. Constitution ang birthright citizenship. Marami nang legal na hamon para i-delay o pahintuin ang pag-usad ng panukalang ito. Kahit tinagubilinan ng executive order na ito ang mga ahensya ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang para maipatupad ang pagbabago, ang panukalang mga pagbabago sa birthright citizenship ay hindi pa ipinapatupad. Abangan ang mga darating na update tungkol dito.
Iba pang inaasahang pagbabago
Bilang karagdagan sa mga executive order, ang administrasyong Trump ay nagbahagi ng mga karagdagang plano sa mga pampublikong pahayag. Ang mga planong ito ay hindi pa tiyak o garantisadong, ngunit maaaring makaapekto sa maraming tao kung ipatupad.
- Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA): Binanggit ng administrasyon ang mga planong ihinto ang DACA o itigil ang mga pag-renew. Kung DACA recipient ka, humingi ng legal na payo sa pag-renew ng status mo. Puwedeng makaapekto rito ang isang kamakailang desisyon ng korte.
- Public charge: Baka bumalik ang mas mahihigpit na panuntunan o rule para sa mga immigrant na gumagamit ng mga pampublikong benepisyo, kaya magiging mas mahirap ang pag-a-apply para sa legal na status o para tanggapin at papasukin sa United States.
- Pag-review sa social media: Malamang na kakailanganin mong i-share ang mga social media handle mo sa mga immigration application kapag nakumpirma ang bagong patakaran. Sa kasalukuyan, puwedeng makaapekto sa mga application mo ang pakikibahagi sa “anti-Semitic” na content, at kahit mga post tungkol sa Palestine.
Ang magagawa mo ngayon
Narito ang mahahalagang bagay na dapat mong pag-isipan:
- Makipag-usap sa isang immigration lawyer: Alamin ang mga opsyon mo para makapanatili sa U.S.
- Alamin ang mga karapatan mo: Alamin kung ano ang gagawin kapag pinahinto ka ng mga immigration officer.
- Karapatan na manatiling tahimik.Hindi mo kailangang sagutin ang mga tanong tungkol sa kung saan ka ipinanganak o kung paano ka pumasok sa U.S.
- Karapatan mong tumanggi sa paghahanap kung walang warrant na pirmado ng isang hukom.Puwede mong tanggihan ang paghahanap sa iyo, sa iyong bahay, sa iyong kotse, at sa iyong mga gamit.
- Karapatan mong makipag-usap sa isang abogado.Kung ikaw ay ma-detain ng ICE, hindi obligado ang gobyerno na bigyan ka ng abogado. Kung maaresto ka ng pulisya, may karapatan kang magkaroon ng abogado na itinalaga ng gobyerno.
- Gumawa ng safety plan: Maging handa sa mga sitwasyong gaya ng detention, deportasyon, o biglaang pagkahiwalay sa mga mahal mo sa buhay.
- Magdesisyon kung sino ang mag-aalaga sa mga anak mo o mag-aasikaso ng pera mo.
- Ligtas na itago at gumawa ng mga kopya ng mahahalagang dokumento na gaya ng mga birth certificate, passport, at mga immigration record.
- Mag-save ng contact information para sa isang pinagkakatiwalaang abogado at mga miyembro ng pamilya.
- Laging magdala ng katibayan ng legal na status mo, kung angkop. Magdala rin ng katibayan ng paninirahan sa US, tulad ng mga lease, bank statement, o pay stub, na hindi bababa sa 2 taon ang saklaw na petsa para maiwasang maisama sa pinabilis na pagpapaalis.
- Tumawag sa isang immigration hotline: report ng mga pagsalakay, humingi ng tulong kung ikaw ay nakakulong, o mag-ulat ng mga nawawalang migrante.
- National Immigration Detention Hotline: 209-757-3733
- Hotline ng NAKASEC: 844-500-3222
- United We Dream, report a raid: 844-363-1423
- Mag-apply at mag-renew para sa mga kwalipikadong benepisyo: Kumilos ngayon para maiwasang mawala ang iyong status o mga benepisyo.
- Panatilihing valid ang EAD at tiyaking na-renew ang status mo.
- Kung Green Card holder ka na kwalipikado para sa citizenship, pag-isipang mag-apply na ngayon.
- Kung ganap na undocumented ka at wala pa sa DHS system, kumonsulta muna sa abogado para maunawaan ang mga potensyal na panganib at benepisyo bago mag-apply.
- Pag-isipan ang mga panganib ng paglalakbay sa ibang bansa: Kung hindi ka U.S. citizen, kumonsulta muna sa isang immigration lawyer bago bumiyahe.
- Siguraduhing up to date ang visa at passport mo.
- Subaybayan ang mga update tungkol sa mga patakaran sa paglalakbay na puwedeng makaapekto sa iyo o sa pamilya mo.
- Maghanap ng lokal na tulong sa US o tulong sa labas ng US Tandaan, hindi ka nag-iisa. Nagsusumikap ang mga tagapagtaguyod at abogado upang protektahan ang mga komunidad ng imigrante.
- Protektahan ang sarili mo sa mga scam: Alamin kung paano iwasan ang mga scam sa immigration na nagtatangkang samantalahin ang mga sitwasyong ito.
- Alagaan ang mental na kalusugan mo: Hindi madaling harapin ang stress at takot. Humanap ng suporta at humingi ng tulong kapag kailangan.
I-save ang USAHello na 2025 Gabay sa Immigration kung saan ka makakakita ng regular na mga update. Manatiling may alam!
Ang kahalagahan ng tamang impormasyon
Sa mga panahong walang katiyakan, mabilis kumalat ang maling impormasyon. Puwede itong magdulot ng takot at pagkalito sa mga tao. Mahalagang makuha ang mga katotohanan mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan, hindi mula sa mga tsismis o social media. Mag-isip din muna bago ka magbahagi ng impormasyong hindi mo sigurado.
Ang impormasyon sa page ito ay mula sa ASAP, CLINIC, IRAP, NILC, RCUSA, United We Dream, at iba pang mga mapagkakatiwalaang source. Layunin naming mag-alok ng impormasyong madaling maintindihan at regular na naa-update. Hindi legal na payo ang impormasyong ito.